GABI NG CASA DEL NIÑO SA PASKUHAN NG SAN PEDRO, MATAGUMPAY NA NAIDAOS

Ang mga nagtanghal na magaaral ng CDNSSI ay sama-samang umawit ng kanilang panghuling bilang sa Paskuhan ng San Pedro nung ika-14 ng Disyembre sa Gabi ng CDNSSI.

Ang mga nagtanghal na magaaral ng CDNSSI ay sama-samang umawit ng kanilang panghuling bilang sa Paskuhan ng San Pedro nung ika-14 ng Disyembre sa Gabi ng CDNSSI.

Nung ika 14 ng Disyembre 2016 mula 8 hanggang 930 NG, matagumpay na idinaos ang Gabi ng Casa del Niño sa Paskuhan ng San Pedro sa Liwasang San Pedro, sa pagitan ng lumang Munisipyo ng Bayan at Simbahan ng Parokya ng San Pedro.
Napanood ang ibat ibang grupo ng CDN tulad ng CADENCE sa pangunguna ni G. Kennedy Tabon, Music Club ni G. Eric Medenilla, Danzartes ni Gng. Bheverly Rolda, Malebox ni G. Chito Maramag at mga kasaling magaaral sa Mr. & Ms. Science 2017. Sumama din sa palatuntunan ang mga magaaral mula sa Casa del Niño Santa Rosa Campus.
Ang Paskuhan ng San Pedro ay taon taong ginaganap sa pangunguna ni Mayora Baby Cataquiz at sa bawat gabi ng Disyembre ay may ibat ibang eskwelahang nagtatanghal.
150 magaaral ng Casa del Niño ang nagtanghal nung gabing yaon na sinamahan din ng mga gurong umalalay sa mga mangaawit at mananayaw. Malaking pasasalamat ng lahat ang hindi pagulan nung oras ng pagtatanghal dahil masama ang panahon nung linggong iyon.
Sa mga natanggap na magagandang obserbasyong ibinahagi ng mga nanood, maganda ang kabuuan ng pagtatanghal at lubos na pinasasalamatan ang mga magaaral at mga magulang sa kanilang suporta sa palatuntunan.